Kapag may na-aachieve ka, there will always be critics. Mostly, they are those who can't get what they want.. and are insecure of what you have. Gawa ka ng mabuti, anjan sila.. Gawa ka ng kahit konting bagay na medjo off (na parang hindi naman pero pwedeng mamisinterpret), para sa kanila, anlaking issue nun na kelangang ipaalam sa publiko,
'just add spice and you're ready to be served.'
And they live in negativity forever, spending their 'precious' time on picking up small circumstances in your life na pwedeng scoop para may gawin sila.. at masaya sila nun. :D
Kung may nararating ba ang critics and bashers, yun ang hindi natin nakikita, kasi WALA.
Kung may nararating ba yung taong ginugulo nila, MERON. kasi yun nakikita yun.
Although after the issue nasisira ang image mo, continue what you're doing that you think is fine. Wala silang magagawa jan kapag nagkita kayo at sikat na sikat ka na dahil sa ginawa nila sayo, problema na nila ang matunaw.
Kasi, ikaw ay isang napakalaking "SUCCESS."
At sila ay isang napakalaking "X."
Ang kakayahan mo ay hindi mako-ctrl Z ng kahit sino. Hindi mo rin pwedeng i-ctrl Z ang issue but at least pwede kang mag ctrl N. Magsimula ka ulit. Move on.. Basta ctrl S your achievements. at andami mo ding 'backup' -- hello friends! family! at ang Diyos. :D
Sila ang ANTIVIRUS ng buhay mo. <3
:)
Basta kahit anong gawin mo, o gawin sayo..
Manatili ka lang maging happy dahil:
1. Mas marami ang naniniwala sa kakahayan mo, kesa sa mga sumisira ng imahe mo.
2. Mas marami ang kaibigang nakakakilala at nakakaunawa sayo kesa dun sa mga pangalan at mukha lang ang alam sayo at konting impormasyon na sinisilip nila sa TIMELINE ng FACEBOOK mo. :)
3. Mas marami kang nagawang mabuti kesa sa mga gumagawa ng ikakasira sayo.
4. Mas kilala mo ang sarili mo.
5. MAS LOVE KA NI LORD. <3
Masaya ang buhay:
"Hindi hadlang ang mga bilbil sa ating katakawan.
Gabay lamang sila.
Meron tayong FREE TASTE,
Kainin natin ito. "
POSITIVITY LAMANG. :)
TAMAAAA :) Nice kuya!
ReplyDeletesalamat kirs! :D
Delete